News

Intramural 2012, Idinaos ng SHS; Earth Kingdom, Kampeon!

Umabot ng mahigit isang buwan ang paghahanda sa taunang Intramural Meet na ginanap noong ika-22 hanggang ika-24 ng Agosto nitong taon, na may temang maihahalintulad sa palabas na “Avatar”. Ang mga grupo ay pinangalanang Air Nomads, Earth Kingdom, Fire Nation, at Water Tribe.

Ang unang araw ng palaro ay sinimulan ng isang parada, sinundan ng panunumpa ng bawat manlalaro, matapos ito’y ang presentasyon ng kani-kanilang Ground Demonstration ng bawat koponan, kung saan naging kampeon ang mga “airbenders”. Sumunod dito ang Palaro ng Lahi kung saan nagtagisan ng lakas ang mga grupo lalong-lalo na sa “Tug-of-War”. Kahit marami ang nasugatan dito ay tuloy parin ang palaro.

Mga 'air nomads' na nanalo sa Ground Demonstration

Mga ‘air nomads’ na nanalo sa Ground Demonstration

Ang ikalawang araw ng kompetisyon ay ginanap naman sa Grand Stadium ng Odiongan. Matatag parin ang mga atletang sumabak sa Track and Field at Throwing events sa kabila ng napakainit na panahon. Kinagabihan ay naitampok ang programa ng SSG na pinamagatang “uklas Talento” kung saan nagtanghal ang bawat kalahok ng kaniyang talento, mapasayawan man o kantahan. Noon din tumatak sa isip ng bawat isa ang talumpati ng ating Direktor, si Gng. Emelyn R. Villanueva: “Hindi lahat ng inaasahan ay mangyayari at hindi lahat ng inaambisyon ay matutupad. Matutong mabigo at matalo.”

Ang huling araw ay ang huli ding pagtutuos ng bawat grupo na ginanap sa loob at paligid ng RSU Gymnasium. Katatagan at determinasyon parin ang ipinamalas ng mga atleta sa bawat laban upang maiangat ang kanilang grupo.

Photo:Ang mga 'Earthbenders' na naghari sa Intramurals

Ang mga ‘Earthbenders’ na naghari sa Intramurals

Nang matapos ang palaro, nagtipon-tipon ang mga grupo upang parangalan ang mga nagwagi. Naitanghal na kampeon ang Earth Kingdom na nagkamit ng 403 puntos mula sa siyam na ginto, siyam na pilak, at sampung tanso. Sumunod ang Water Tribe na humakot ng 12 ginto, 10 pilak, at pitong tanso–para sa 392 puntos. Sila ang nagkamit ng pinakamaraming gintong parangal, ngunit pinakamarami ding bakal o ikaapat na pwesto. Sumunod ang Air Nomads, (365 puntos, walong ginto, pitong pilak, pitong tanso) at Fire Nation (321 puntos, pitong ginto, walong pilak, anim na tanso).

~By Rachelle Yap

About these ads
Standard

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s